未分類

  • nabago noong : 2017-08-07 11:24 AM

    Noong ika- 21 ng Oktubre taong 2016, isang lindol na may lakas na magnitude 6.6 ang tumama sa Lungsod ng Tottori. Ang grupo ng mga kalalakihan sa pag hihinokishin (Hinokishintai) ng Tottori at agad na agad na nagpunta sa bayan ng Kurayoshi, ang pinakanasalanta ng lindol, upang magsagawa ng relief operations, tulad ng pag- aalis ng mga pira-pirasang bahagi mula sa mga nagibang gusali at bahay.

     

  • nabago noong : 2017-08-07 11:22 AM

    Noong ika- 27 ng Oktubre taong 2016 ay ginanao ang ika- 92nd na Pagpupulong ng Young Men’s Association sa malawak na bakuran ng Pangunahing Sanktuaryo (Shinden. Dinaluhan ito 11,000 miyembro ng samahan mula sa iba’t- ibang lugar sa Japan at ibang bansa.

    Sa talumpati ng Presidente ng Samahan na si Ginoong Daisuke Nakayama, hinikayat niya ang mga miyembro na agbutihin ang pagpapatupad ng mga gawain at proyekto ng samahan patungo sa ika- 100 anibersaryo nito sa taong 2018.

     

     

  • nabago noong : 2017-08-07 11:11 AM

    Noong ika- 26 ng Oktubre taong 2016 ay ipinagdiwang ang Malaking Paglilingkod Para sa Taglagas, ito ay ipinagdiwang upang alalahanin ang araw kung kailan nag-umpisa abng aral ng Tenrikyo. Ito paglilingkod at ginanap sa Pangunahing Simbahan ng Tenrikyo na pinamungunahin ni Shinbashira.

    Ang Paglilingkod ay dinaluhan ng humigit kumulang 70,000 Toboku at mga tagasunod, kabilang na dito ang mga nagmula sa 29 bansa sa ibayong dagat. Ang 2016, ang taon na ipinagdiwang din ang ika-130th Anibersaryo ni Oyasama, maraming mga grupo ang umuwi sa Jiba upang ipakita ang paghanga at pagmamahal sa walang hanggang nabubuhay na Oyasama.

    Pagkatapos ng kagura Service at sayaw sa paglilingkod, nagbigay ng sermon si Shinbashira para sa lahat. Ang sermon ay tumatalakay sa pangunahing aral ng Tenrikyo ang “ bagay na pinahiram, bagay na hiniram” at ang “walong alikabok ng isipin”, hinikayat niya ang lahat na mas pagbutihin pa ang pagpapakalat ng aral ng Tenrikyo at ang pagpapayabong ng sariling espiritwal na paniniwala.

     

  • nabago noong : 2017-08-07 10:53 AM

    Noong Setyembre 18-20 taong 2016, ang pandaigdigang “ Pandaigdigang Pagpupulong ng Pagdarasal para sa Kapayapaan” ay ginanap sa Assisi, isang bayan sa gitang Italya. Ito ay pinangunahan ng Katolikong Grupo sa komunidad ng Sant’ Egidio-a lay sa Roma, sa pagtutulungan ng Diocese ng Assisi, Pamilyang Franciskano at ang mismong bayan ng Assis. Ang pagpupulong ay ika – 30 Taong Anibersaryo at dinaluhan ng 500 relihiyosong grupo, mga mananaliksik at opisyal ng gobyerno. Ang Tenrikyo ay may anim na kinatawan, kabilang dito sina, Director-in-Chief of Administrative Affairs, Zensuke Nakata; Bise Presidente ng Tenri University, Ikuo Higashibaba; Europe Centre Head, Yoshihasa Hasegawa; at Dai-Roma Mission Station Head, Hideo Yamaguchi.

    Sa ilalim ng temang “Uhaw sa Kapayapaan” (Thirst for Peace), ang pagpupulong ay mayroong 29 panel sessions at dalawang forum. Noong ika- 19 ng Setyembre, Si Rev. Tanaka, na isa sa mga panelista, at masayang ipinakilala ang turo ng Tenrikyo at ibuinahagi ang kanyang mungkahi para mas maunawaan at maabot ang Mundo ng Maligayang Pamumuhay.

     

  • nabago noong : 2017-08-07 10:23 AM

    Noong ika- 30 ng Agosto taong 2016, isang Category 4 na bagyong nagngangalang Lionrock ang tumama sa rehiyon ng Tohoku (Bayan ng Ofunato, Iwata Prefecture). Dahil sa nasabing bagyo, umapaw ang mga ilong at nagdulot ng malaking pag baha sa ilang lugar sa Iwate at Hokkaido.

    Dahil sa nasabing pangyayari at sitwasyon, hiningi ng Iwate Prefecture at Hokkaido ang tulong ng mga Hinokishintai na pinangunahan ni Ginoong Isafumi Tanaka. Nagtulong tulong sila upang linisin ang mga kanal at kalsada at nilinis din nila ang mga pampublikong pasilidad na niragasa ng putik.

     

  • nabago noong : 2017-08-07 10:18 AM

    Noong ika- 10 ng Setyembre taong 2016 ay nagkaroon ng paglilingkod sa Simbahan ng Congo Brazzaville sa pangunguna ni Punong Ministro Pierre Bazebibaka. Ang paglilingkod ay isinagawa upang gunutain ang ika- 50th Anibersasyo ng pagkakatatag at ipagdiwang ang pagkakaluklok ng medo (ang simbolo ng pananalig). Tinatayang humigit kumulang na 260 na nga tagasunod ang dumalo upang salubungin at masilayan ang Shinbashira, ang kanyang asawa, si Harue Nakayama at ang nakatalagang tagapagmana na si Daisuke Nakayama.

    Nang sumunod na araw, ika- 11th, isang seremonya rin ay isinagawa upang ipagdiwang ang pagkakatatag ng Samahan ng mga Kababaihan (Women’s Association) ng Tenrikyo Congo Brazzaville at ng Young Men’s Association ng Congo Brazzaville. Sa pagkakatatag ng dalawang samanahan (lalaki at babae) , masasabing ang pananampalataya sa Congo ay unti unti ng lumalawak. Sa pagtutulungan ng mga bagong tatag na samahan, ang pagpapalaganap ng mga aral tungo sa pagkamit ng maligayang pamumuhay ay maisasakatuparan.

     

  • nabago noong : 2015-12-21 2:04 PM

    Sa pangunguna ng Puno ng Komite ng Punong Himpilan ng Samahang Kalalakihan na si Nakayama Naomichi, ay ginanap noong ika- 27 ng Oktubre ang Ika-91ng Pangkalahatang Pulong ng Samahan ng Kabataang Kalalakihan ng Tenrikyo sa loob ng bakuran ng Punong Simbahan. Ito ay dinaluhan ng 11, 000 miyembro ng asosasyon mula loob at labas ng Japan. Matapos ang talumpati ng pangulo ng samahan na si Daisuke Nakayama, nagbigay rin ng talumpati ang Shinbashira- Zenjji Nakayama. Ang mga miyembro ay nangako na tulad ng mga naunang taga-bunsod ng landas ,taglay ang nararapat na diwa at sigla ay mas lalo silang magsisikap sa mga gawaing pagpapalaganap ng aral.

  • nabago noong : 2015-10-10 3:53 PM

    Noong ika- 6 hanggang ika- 8 ng Setyembre, ang mga nangugunang relihiyon sa buong mundo ay nagtipon-tipon para isagawa ang  panalangin para sa kapayapaan(Pagtitipon ng Mga Relihiyon sa Mundo para sa Panalanginsa Kapayapaan). Ito ay  ginanap sa Tirana,siyudad ng Albania sa pamumuno ng Asosasyon ng Santo Egidio. Karamihan sa mga dumalo ay mga relihiyoso , mananaliksik, at  pulitiko mula sa ibat-ibang bansa . Mula sa Tenrikyo, sina Rev. Noriaki Nagao (Tenrikyo Church Headquarter Minister), Rev. Yoshihisa Hasegawa( Europe Tenrikyo Mission Station Head), Rev. Yamaguchi Hideo (Mission Station Head) at Rev. Shimizu Yoshiro (Kerun Mission Station Head) ay dumalo rin sa nasabing pagtitipon. Bilang kagawad ng lupon , Si Rev.Nagao, ( (Ministro -Punong Simbahan ng Tenrikyo ) ay nag-bahagi ng aral ng Tenrikyo.

  • nabago noong : 2015-10-10 1:39 PM

    Noong Ika-12 ng Setyembre,  sinalubong ng puno ng Samahan ng Kabataang Lalake ng Europa na si Ginoong Ronald Malbosc ang pangulo ng samahan na si Ginoong Daisuke Nakayama para sa Pangkalahatang Pagtitipon sa ika- 30 Anibersaryo ng pagkakatatag ng samahan. Dito ay nag-sama sama ang 91 na miyembro mula sa ibat-ibang bansa sa Europa. Nang sumunod na araw, ika-13, nagtipon ang mga miyembro ng simbahan sa Europa Mission Center  at dito ay ginanap ang ika- 30 Pag-titipon ng Tenrikyo -Europa.

  • nabago noong : 2015-10-09 3:46 PM

    Ang Samahang Kabataang Lalake ng Punong Himpilang Simbahan sa pangunguna ng puno ng komite na si Ginoong Nakayama Masanao ay nagsagawa ng Isang Linggong Kampanya sa Misyonaryong Gawain sa lahat ng sangay ng samahan sa buong bansa noong ika- 6 hanggang ika-13 ng Setyembre. Sa panahong ito, ang mga misyonaryo ng bawat sangay , mga Yoboku na nagtatrabaho sa lipunan , mga mag- aaral at iba pa ; at may mga ibat-iba ang posisyon na miyembro ng samahang kabataan ay nagkaisa sa pag-kilos.

2 / 3123