Ang Malaking Paglilingkod para sa Taglagas ng Taong 2016

Noong ika- 26 ng Oktubre taong 2016 ay ipinagdiwang ang Malaking Paglilingkod Para sa Taglagas, ito ay ipinagdiwang upang alalahanin ang araw kung kailan nag-umpisa abng aral ng Tenrikyo. Ito paglilingkod at ginanap sa Pangunahing Simbahan ng Tenrikyo na pinamungunahin ni Shinbashira.

Ang Paglilingkod ay dinaluhan ng humigit kumulang 70,000 Toboku at mga tagasunod, kabilang na dito ang mga nagmula sa 29 bansa sa ibayong dagat. Ang 2016, ang taon na ipinagdiwang din ang ika-130th Anibersaryo ni Oyasama, maraming mga grupo ang umuwi sa Jiba upang ipakita ang paghanga at pagmamahal sa walang hanggang nabubuhay na Oyasama.

Pagkatapos ng kagura Service at sayaw sa paglilingkod, nagbigay ng sermon si Shinbashira para sa lahat. Ang sermon ay tumatalakay sa pangunahing aral ng Tenrikyo ang “ bagay na pinahiram, bagay na hiniram” at ang “walong alikabok ng isipin”, hinikayat niya ang lahat na mas pagbutihin pa ang pagpapakalat ng aral ng Tenrikyo at ang pagpapayabong ng sariling espiritwal na paniniwala.