Panimulang Panayam ng Tenrikyo
Ang Panimulang Panayam ng Tenrikyo ay itinalaga para sa mga taong mag-aaral ng turo sa unang pagkakataon. Sinumang nasa edad na 15 taong gulang pataas ay maaaring dumalo rito. Ito rin ay inirerekomenda sa mga taong dumadalo sa Besseki panayam bagama’t hindi talaga kinakailangan.
Ang 90 minutong panayam na ito ay binubuo ng dalawang talumpati at dalawang bideo
- Unang bideo: “Tenrikyo: Lakbay tungo sa Maligayang Pamumuhay’’
(Ukol sa Tahanan ng Magulang at mga turo)
-
Unang Panayam: “Bagay na Ipinahiram at Hiniram’’
(tumutukoy sa turo na ang katawan ay pag-aari ng Diyos, na Siyang nagmamay-ari ng buong sanlibutan)
-
Ikalawang bideo: “Ang Ligaya ng Pananampalataya’’
(ukol sa pananampalataya ng ilang tagasunod sa landas)
- Ikalawang Panayam: “Ang Diyos Magulang, si Oyasama at ang Jiba’’
Ang Panimulang Panayam ay isinasagawa rin sa wikang Ingles, Espanyol, Portugis, French, Intsik, Korean, Indonesian, German, Italian, Filipino at Thai.
Ang Panimulang Panayam ay isinasagawa sa ika-2 palapag ng South Right Wing 2 ng Oyasato-yakata building complex. Habang ang panayam sa wikang hapon ay isinasagawa araw-araw (maliban sa katapusan ng taon at sa panahon ng bagong taon), ang schedule naman para sa ibang wika ay ipinapahayag nang mas maaga sa bawat panayam (tingnan sa ibaba). Para sa mga taong gustong makinig ng panayam sa ibang wika at sa ninanais na araw ay pinapakiusapang tumawag sa Human Resources Development Section ng Overseas Department isang linggo bago ang araw na nais itong pakinggan (e-mail: edust@tenrikyo.jp ; phone: 0743-63-1511 ext. 5348/5362). Ang donasyon ay 500 yen. Mayroong manuwal, Lakbay tungo sa Maligayang Pamumuhay, ang ibinibigay sa mga taong dumadalo sa panayam. Para sa mga detalye, tumawag lang sa Human Resources Development Section.