Ang Pandaigdigang Pagpupulong ng Pagdarasal para sa Kapayapaan na Dinaluhan ni Rev. Nakata

Noong Setyembre 18-20 taong 2016, ang pandaigdigang “ Pandaigdigang Pagpupulong ng Pagdarasal para sa Kapayapaan” ay ginanap sa Assisi, isang bayan sa gitang Italya. Ito ay pinangunahan ng Katolikong Grupo sa komunidad ng Sant’ Egidio-a lay sa Roma, sa pagtutulungan ng Diocese ng Assisi, Pamilyang Franciskano at ang mismong bayan ng Assis. Ang pagpupulong ay ika – 30 Taong Anibersaryo at dinaluhan ng 500 relihiyosong grupo, mga mananaliksik at opisyal ng gobyerno. Ang Tenrikyo ay may anim na kinatawan, kabilang dito sina, Director-in-Chief of Administrative Affairs, Zensuke Nakata; Bise Presidente ng Tenri University, Ikuo Higashibaba; Europe Centre Head, Yoshihasa Hasegawa; at Dai-Roma Mission Station Head, Hideo Yamaguchi.

Sa ilalim ng temang “Uhaw sa Kapayapaan” (Thirst for Peace), ang pagpupulong ay mayroong 29 panel sessions at dalawang forum. Noong ika- 19 ng Setyembre, Si Rev. Tanaka, na isa sa mga panelista, at masayang ipinakilala ang turo ng Tenrikyo at ibuinahagi ang kanyang mungkahi para mas maunawaan at maabot ang Mundo ng Maligayang Pamumuhay.