未分類

  • nabago noong : 2020-05-20 3:44 PM

    Bilang ang novel coronavirus ay lumalawak sa buong mundo, nagdeklara ng State of Emergency sa buong bansa ng Hapon, at ibang mga bansa naman ay nagsusumikap para pigilin ang virus para hindi na ito lumawak pa.

    Sa panahon ngayon, ay normal na nagsisimula nang manghikayat ng mga tao sa “Children’s Pilgrimage to Jiba” at naghanda para sa mga akomodasyon. Gayunpaman hindi natin maaaring itupad ang mga ganitong aktibidad, gawa ng pagyayari ngayon kung saan mga bata ay hindi maaaring magkaroon ng normal na buhay sa paaralan at kung saan sinusubok iwasang lumabas para sa hindi kinakailangang dahilan.

    Sa ganitong kalagayan, nagpasya na kanselahin ang “2020 Children’s Pilgrimage to Jiba” na nakatakda sa ika-26 ng Hulyo hanggang ika-2 ng Agosto.  Nais namin hingin  sa inyo ang pag-uunawa sa bagay na ito.

  • nabago noong : 2018-02-10 11:28 AM

    Ang Piyesta ng Osechi ay ginanap sa Punong Simbahan mula Enero 5 hanggang 7. Ito ay tradisyunal na ginaganap, simula pa noong nakikita ang pisikal na anyo ni Oyasama.Ngayong taon,umabot ng 73,873 katao ang bumalik sa Jiba para makadalo dito, na nagpapakita na mas dumami pa ng 2,762 na tao ang dumalao.

     

  • nabago noong : 2017-09-15 1:42 PM

    Ang Pagsasanay para sa mga  Susunod na Pinuno ng Simbahan ay nag- umpisa na.  Ang unang grupo ay  nag- umpisa noong ika 28- 30 ng Agosto at dinaluhan ng 1114 na katao mula edad 20 hanggang 40. Ang pagsasananay ay ginaganap lamang isang beses sa isang taon. Ang tema ng pagsasanay ay “maligayang pamumuhay sa araw- araw” at may hangaring “Mapasaya ang mga mag- aaral sa araw- araw at sa pamamagitan nito ay mamuhay sila na puno ng pananampalataya at kagalakan hanggangsa pagtanda.” Ang pagsasanay ay binubuo ng 25 grupo at inaasahang magtatapos sa Marso ng susunod na taon.


  • nabago noong : 2017-08-07 12:16 PM

    Ang Tenrikyo Hinokishin Day ngayon taon na may slogan na, “Tayo ay matutong magpasalamat at palawakin ang kaligayahan”, ay ginanap ay ginanap noong ika- 29 ng Marso at sa sumunod pang araw sa iba’t- ibang lokasyon sa buong Japan at sa 31 lugar o bansa sa ibayong dagat. Bilang pagpapakita ng pasasalamat sa mga biyayang natatnggap natin mula sa Diyos Magulang, ang bawat isa na lumahok dito ay buong pusong nagtrabaho at gumawa ng iba’t- ibang gawaing hinokishin sa kanilang kinabibilangang komunidad.

     

     

     

  • nabago noong : 2017-08-07 12:09 PM

    Noong ika- 28 ng Marso, ang Pilgrimage ng mga mag- aaral sa Jiba ay ginanap sa Tahanan ng Magulang, na may slogan na “Hubugin natin ang ating mga sarili na maging Yoboku na gagabay sa susunod na henerasyon.” Dinaluhan ito ni Shinabashira, ng kan yang asawa at ng nakatalagang tagapagmana na si Daisuke Nakayama. Ito ay ginanap sa bakuran na nasa hilagang bahagi ng Pangunahing Santuaryo o ang Shinden, at dinaluhan ito ng humigit kumulang 5,200 na mag- aaral mula sa highschool at kolehiyo mula sa iba’t- ibang lugar ng Japan.

     

     

  • nabago noong : 2017-08-07 12:06 PM

    Ginanap ng Tenrikyo Language Institute (TLI) ang ika- 23 Seremonya ng Pagtatapos noong ika- 8 ng Marso. Ito ay kinabibilangan ng 64 mag- aaral (Japanese Language Department, 44 at Oyasato Fusekomi Department, 20). Ang mga nagtapos na mag- aaral ay nagmula sa 17 bansa, kabilang na ang South Korea, Taiwan, Hawaii, Brazil, Indonesia, PILIPINAS, Thailand, Colombia, Mexico, France, Nepal, Myanmar, Laos, Cambodia, Paraguay, Venezuela at Kenya.

    Maligayang bati sa inyong lahat!

     

     

  • nabago noong : 2017-08-07 11:40 AM

    Ang engagement ceremony ng susunod na Shinabasara na si Daisuke Nakayama at Binibining Nobue Kamigawa ay ginanap noong ika- 1 ng Pebrero. Ang kanilang pag- iisang dibdib ay gaganapin sa ika- 1 ng Setyembre.

  • nabago noong : 2017-08-07 11:39 AM

    Noong Enero 26 ay ginanap ang Tag-lagas na Pagdiriwang o ang Spring Grand Service sa Pangunahing Sanktuaryo o and tinatawag na Shinden. Ito ay isinagawa sa pangunguna ng pinuno ng Tenrikyo, ang Shinbashira. Ang okasyon na ito ay naganap isang taon pagkatapos ng pagdiriwang ng Paglilingkod para sa ika- 130 Taong Anibersaryo. Tinatayang humigit kumulang 65,000 Yoboku at mga tagasunod , na ang iba ay nagmula pa sa ibang bansa ay dumalo at nakibahagi dito.

     

  • nabago noong : 2017-08-07 11:32 AM

    Noong ika- 19 ng Nobyembre taong 2016, ginanap ang Ika- 3 Shinbashira Memorial Concert sa tulong ng Tenri Institute of Music sa Kyoto. Ang konsiyerto na ito ay ginanap upang alalahanin ang ikatlong Shinbashira na si Zenye Nakayama, na pumanaw para sa muling pagkabuhay noongika\4 ng Hunyo taong 2014. Dinaluhan ito ng 1,433 na katao. Ito ay pagpapakita ng pasasalamat sa panagtlong Shinbashira na siyang naging presidente mulang na magawa ang Institute of Music. Tatlong awitin ang inawit, kasama na ang O- Uta 12: Path of the Divine Model.

     

     

     

  • nabago noong : 2017-08-07 11:30 AM
1 / 3123