未分類

  • nabago noong : 2015-07-18 3:27 PM

    Sa pangunguna ng kasalukuyang Shimbashira,  noong hunyo 24 ay idinaos ang pag-gunita  sa Pangunahing Sanktuaryo ng Himpilan at Bulwagan ng Ala-ala ng mga Pumanaw ang pagyao para sa muling pagkabuhay ng ikatlong Shimbashira  na si Zenye Nakayama sa gulang na 81 noong Hunyo 24 ng nakaraang taon.

    Noong araw na ito, bukod sa mga kamag- anak at mga punong opisyal ng Punong Himpilan , mga puno ng  simbahan na nasa Direktang Pamamahala at puno ng simbahang Diocese, ang mga ordinaryong puno  ng simbahan, yoboku at mananampalataya ay dumalo.  Sa bakuran na nasa harap ng Bulwagan ng  la-ala ng mga Pumanaw ay  nagtayo ng 40 ng tolda, maraming ordinaryong mananampalataya ang nagsidalo.

  • nabago noong : 2015-05-21 11:47 AM

    Ang ika- 97 taon na Pangkalahatang Pagtitipon ng Samahang Kababaihan ng Tenrikyo ay ginanap noong ika- 19 ng Abril, isang araw matapos ang Paglilingkod sa  Pagdiriwang ng Kaarawan ni Oyasama. Dulot ng pag- ambon noong umaga, binago ang lugar ng pagtitipon. Mula sa Bakuran ng simbahan ng Punong Himpilan, ito ay ginanap sa Hilaga, Silangan at Kanlurang bahagi ng simbahan. Mahigit 52,000 katao ang lumahok sa pagtitipon mula sa loob at labas ng Japan.

    Matapos ang talumpati ng Pangulo ng Samahan na si Ginang Harue Nakayama, sumunod na nagbigay ng mensahe ang Shinbashira, Puno ng Tenrikyo, hinimok ang mga miyembro ng samahan na pagsikapan nila nang taos-puso ang mga bagay na magagawa at dapat gawin sa panahong ito upang tuparin ang kanilang papel bilang pundasyon ng Maligayang Pamumuhay.

  • nabago noong : 2015-05-16 4:16 PM

    Ang taunang “Pangkalahatang Hinokishin Day” ay ginanap noong ika- 29 ng Abril sa loob at labas ng Japan sa diwa ng tema na, “ Sabayan ang Panahon ng ihip ng Hangin,Magtanim tayo ng Binhi ng Katapatan.”

    Bilang pag-abot sa kasukdulan  ng aktibidad na hinokishin sa araw- araw, ang mga  Yoboku at taga-sunod ng lahat ng simbahan ng Tenrikyo ay nagka-isa ng isipan upang isagawa ang aktibidad ng araw na ito. Malaking bilang ng  yoboku at taga-sunod ang nagsipag at nagpatulo ng pawis ng pagpapasalamat sa hinokishin sa mga parke, baybayin ng dagat, magagandang lugar, pampublikong pasilidad at iba pa sa ibat- ibang distrito  sa buong bansa .

  • nabago noong : 2013-12-16 1:18 PM

    Ito ay gaganapin sa Punong Himpilan mula ika-5 hanggan ika-7 ng Enero.

    Sa pistang ito ay maaaring makakain ng madaming zoni, rice cake soup. Ang tanggapan ng pupunta kapag grupo ay sa timog-silangan ng Punong Himpilan, sa may harapan ng presinto ng Tenrikyo (Keidai-Gakari). Ang iba ay maaari pumunta sa silangan ng Punong Himpilan, sa may harapan ng Oyasato building.

    Ang tanggapan ay bukas mula alas-10 ng umaga hanggang ala-1 hapon.

  • nabago noong : 2013-12-11 9:40 AM

    Ang Overseas International Help Network, na kinakatawanan ni Rev. Michitaro Masuno, mula sa pondo, ay nagdesisyon magbigay ng alay-tulong na 3 milyon yen o 1.5 milyon piso para sa mga nasalanta ng pang-30 bagyo sa gitnang bahagi ng Pilipinas noong nakaraan ika-8 ng Nobyembre. Ito ay iniabot sa rescue operation site ng nasabing lugar.

  • nabago noong : 2013-12-10 3:45 PM

    Noong ika-27 ng Oktubre, sa araw na pagtatapos ng Panlahatang Paglilingkod sa buwan ng Oktbure, ay isinagawa sa Panloob na Hardin ng Punong Himipilan ang ika-89 Pagtititpon ng Samahan ng Kalalakihan. Sa biyaya ng maaliwalas na kalangitan sa taglagas, napuno ang Panloob na Hardin ng 27,000 miyembro mula sa iba`t ibang panig ng Hapon at bansa.

    Sa pagtitipon, ang pinuno ng samahan ng kalalakihan, ang Shinbashira, ay nakiusap na panatilihin ang katapatan sa Diyos Magulang at magkapit-kamay upang makamit natin ang mga minimithi ng ating mga punong simbahan upang maitaguyod ang mga aktibidad ng anibersaryo.

  • nabago noong : 2013-10-28 10:43 AM

    Noong ika-26 ng Hunyo, sa may Hardin ng Punong Himpilan, ang ika-70 Henerasyon ng Yokozuna(Kampeon ng Sumo) Fuji Haruma ay nag-alay ng “Dohyo-Iri”, “Seremonya ng Pagpasok sa Arena ng Sumo”, pagkatapos ng panayam ng buwanang paglilingkod.

    Napuno ang Hardin ng mga tagapagsunod upang makita ang kakisigan ng Yokozuna kahit umuulan.

    At sinabi niya ng may ngiti na “Sisikapin kong ipagpatuloy na mas magbigay ng kaligayahan sa inyong lahat”.

3 / 3123