Ika- 97 Taon na Pang-kalahatang Pagtitipon ng Samahang Kababaihan ng Tenrikyo

Ang ika- 97 taon na Pangkalahatang Pagtitipon ng Samahang Kababaihan ng Tenrikyo ay ginanap noong ika- 19 ng Abril, isang araw matapos ang Paglilingkod sa  Pagdiriwang ng Kaarawan ni Oyasama. Dulot ng pag- ambon noong umaga, binago ang lugar ng pagtitipon. Mula sa Bakuran ng simbahan ng Punong Himpilan, ito ay ginanap sa Hilaga, Silangan at Kanlurang bahagi ng simbahan. Mahigit 52,000 katao ang lumahok sa pagtitipon mula sa loob at labas ng Japan.

Matapos ang talumpati ng Pangulo ng Samahan na si Ginang Harue Nakayama, sumunod na nagbigay ng mensahe ang Shinbashira, Puno ng Tenrikyo, hinimok ang mga miyembro ng samahan na pagsikapan nila nang taos-puso ang mga bagay na magagawa at dapat gawin sa panahong ito upang tuparin ang kanilang papel bilang pundasyon ng Maligayang Pamumuhay.