Ang Pag-iisang Dibdib ni Ginoong Daisuke at Binibining Nobue Kamikawa

Ang nakatalagang susunod na pinuno ng Tenrikyo na si Ginoong Daisuke Nakayama at Binibining Nobue Kamikawa ay tuluyan na ngang ikinasal noong ika-1 ng Setyembre. Ito ay ginanap sa Punong Simbahan ng Tenrikyo, ika- 10 ng umaga. Ang maaliwalas at bughaw na kalangitan noong araw na iyon ay para bang sumasabay din sa selebrasyon. Ang mga tagasunod ng Tenrikyo, mga Yoboku ay nagtipon tipon din sa Jiba upang dumalo sa selebrasyon ay magbigay ng kanilang pagbati.