Judo- Rio Olympics Gold Medalist: Ginoong Shohei Ono

Noong ika – 8 ng Agosto taong 2016, si Ginoong Shohei Ono (24 na taong gulang, isang Yoboku at nabibilang sa Ohara Grand Church, mag- aaral ng Tenri University Graduate School). Siya ay kabilang sa kupunan ng Japan’s Men Judo Team na takipagtagisan noong nakaraang Olympics na naganap sa Rio de Janeiro, Brazil. Si Ginoong Shohei Ono ang kauna- unahang nakabingwit ng gintong medalya (73kg- final) para sa nasabing kupuna. Ito ay nagdala ng muling panalo sa kupunan ng Japan pagkatapos ang mahabang panahon , na ang huling gintong medalya ay nakuha noong 2008 Olympics. Hindi pa muling nakakakuha ng gintong medalya ang Tenri Judo sa Olympics mula ng manalo ng gintong medalya si Ginoong Tadahiro Nomura sa Athens Olympics, tatlong Olympic Games na ang nakakaraan. Si Ginoong Ono na ang pang limang nakabingwit ng gintong madelya na nagtapos sa Tenri University.