Ang Paglilingkod para sa sa Ika- 130th na Anibersaryo ni Oyasama
Noong ika- 26 ng Enero taong 2016, 10:30 ng umaga ay masayang isinagawa sa Pangunahing Simabahan ng Tenrikyo ang paglilingkod para sa ika- 130th na Anibersayo ni Oyasama.Ang paglilingkod ay ginanap upang ipagdiwang ang ika 130 tao ni Oyasama mula nang Siya ay pumanaw para sa muling pagkabuhay noong ika- 26 ng Enero taong 1887.
Maraming mga Yoboku at tagasunod mula sa ibat’t- ibang lugar ng Japan at sa 29 bansa at rehiyon sa buong mundo ay umuwi sa Jiba upang ipakita ang kanilang taos pusong pasasalamat kay Oyasama sa walang pagsubaybay sa kanila sa nagdaang “tatlong taon at isang libong araw” at ibinahagi rin nila ang mga paghahanda at pagbabago na isinagawa nila bago ang anibersaryo.
Pagkatapos basahin ng Shinbashira ang dasal para sa paglilingkod ay masayang isinagawa ang sayaw para sa paglilingkod. Pagkaraan ay nagbigay ng talumpati ang Shinbashira para sa lahat, kasunod nito ang pagpunta sa Santuaryo ng Tagapagtatag at nag- alay ng dasal kay Oyasama.