pagtutulungan

  • nabago noong : 2017-08-09 2:38 PM

    Kakapasok pa lamang ang buwan ng Hulyo ng salantain ng malakas na pag- ulan ang Hilagang Kyushu. Ang malakas na pag- ulan ay nagdulot ng pagbaha at pagragasa ng putik sa hindi lamang sa Hilagang Kyushu, kundi pati na rin sa Lalawigan ng Oita at Lalawigan ng Fukuoka. Tinatayag umabot sa 100 mga kabahayan at 30 mga gusali ang tuluyang nawasak, at tinataya namang 650 pang gusali ang bahagyang nawasak. Bilang tugon sa pangyayaring ito, ang grupo ng mga kalalakihan na tumutulong sa tuwing may sakuna (Hinokishintai) na nakabase sa Fukuoka ay agad na nagtungo sa mga nasalantang lugar noong ika- 11 ng Hulyo. Isa sa kanilang ginawang hakbang ay ang pagtanggal ng mga nakahambang  mga kahoy at semento. Nanguna rin sila sa pagsu-supply ng tubig sa mga residente.

     

  • nabago noong : 2017-08-07 11:24 AM

    Noong ika- 21 ng Oktubre taong 2016, isang lindol na may lakas na magnitude 6.6 ang tumama sa Lungsod ng Tottori. Ang grupo ng mga kalalakihan sa pag hihinokishin (Hinokishintai) ng Tottori at agad na agad na nagpunta sa bayan ng Kurayoshi, ang pinakanasalanta ng lindol, upang magsagawa ng relief operations, tulad ng pag- aalis ng mga pira-pirasang bahagi mula sa mga nagibang gusali at bahay.

     

  • nabago noong : 2017-08-07 10:23 AM

    Noong ika- 30 ng Agosto taong 2016, isang Category 4 na bagyong nagngangalang Lionrock ang tumama sa rehiyon ng Tohoku (Bayan ng Ofunato, Iwata Prefecture). Dahil sa nasabing bagyo, umapaw ang mga ilong at nagdulot ng malaking pag baha sa ilang lugar sa Iwate at Hokkaido.

    Dahil sa nasabing pangyayari at sitwasyon, hiningi ng Iwate Prefecture at Hokkaido ang tulong ng mga Hinokishintai na pinangunahan ni Ginoong Isafumi Tanaka. Nagtulong tulong sila upang linisin ang mga kanal at kalsada at nilinis din nila ang mga pampublikong pasilidad na niragasa ng putik.