Ang Pagdiriwang ng 30th Anibersaryo ng Tenrikyo Mission Center sa Pilipinas

Noong Nobyembre 5, Nagsagawa ng Paglilingkod sa Tenrikyo Mission Center sa Pilipinas upang ipagdiwang ang 30th anibersaryo ng pagkakatatag nito. Kasama ang Overseas Department Head na si Ginoong Zenkichi Tanaka bilang Panauhing pandangal, 142 na tagasunod ang dumalo mula sa iba’t-ibang panig ng Bansa. Sila ay nangako na ilalaan ang sarili upang lalo pang mapalaganap ang mga turo ng Tenrikyo sa Pilipinas.